Thai Actor naging GrabFood Rider Para masuportahan ang Pamilya ngayong COVID-19 Crisis

0
786

Marami ang industriyang naapektohan dahil sa Covid-19 Pandemic. Isa na dito ang entertainment industry dahil hindi pinapayagang lumabas ang mga artista para makapag-shoot ng pelikula.

Dahil walang trabaho si Amp, isang Thai Actor, naisipan nyang pumasok bilang Grab Food Rider para masuportahan ang kanyang pamilya ngayong Pandemic.

Hinangaan sya ng netizens dahil sa sipag at tiyaga na pinakita ng actor.

Ayon kay Amp, kumikita sya ng 30,000 Thai Baht o 47,000 Philippine pesos dahil hindi sya tumatanggi sa mga order.

Habang ang ibang Grab rider ay tumatanggi sa kanilang booking tuwing umuulan. Si Amp naman ay lalong sumisipag dahil mas maraming order ang nakukuha nya. Nagbibigay din ng mga tip ang kanyang mga customer na natututuwa sa sipag at dedikasyon nito.

Proud ngayon si Amp dahil kumikita sya para masuportahan ang kanyang asawa at anak. Wala daw siyang dapat ikahiya sa pagiging delivery rider dahil kumikita sya sa malinis na paraan.

Ang experience na naranasan daw ni Amp sa pagiging Grab Driver ay nakatulong sa kanya upang maging matipid sa paggastos dahil na-realized nya na hindi madaling kumita ng pera.

Isa ang delivery driver ang highly demanded na trabaho ngayong Covid-19 dahil maraming tao ang naka home quarantine at umaasa sa mga delivery services para bumili ng kanilang pagkain.

Para makapagdeliver ng pagkain ang mga rider, pumipila sila at naghihintay kahit na mainit man o malamig ang panahon. Respetuhin natin ang mga Grab rider dahil naghahanap buhay sila ng marangal.