Sintomas ng Leukemia o Cancer sa Dugo

0
2516

Sa kabila ng pagsikat ngayon ng vlogger na si Emman Nimedez, buong tapang nyang inamin ang lagay ng kanyang kalusugan. Sa youtube channel ni emman inamin nya na meron syang leukemia.

Ang Leukemia ay isang klase ng cancer sa blood cells o white blood cells.

Ang white blood cell ay isa sa mga pinaka-importanteng parte ng immune system. Prinoprotektahan nito ang pagpasok ng bacteria, virus, fungi at mga abnormal cell sa ating katawan para makaiwas sa mga sakit.

Ang white blood cells ay nabubuo sa ating bone marrow o yung utak sa gitnang bahagi ng ating buto. Pwede ring mabuo ito sa  ating lymph nodes, spleen, at thymus gland.

Nagsisimula ang leukemia kapag ang white blood cell natin ay naging abnormal sa pagdami at natatabunan na nito ang mga normal cells tulad ng Red blood cell at platelets.

SINTOMAS NG LEUKEMIA?

  • Mataas na lagnat at minsan ay umaabot sa panginginig o kombulsyon na tumatagal ng ilang araw
  • Panghihina ng katawan at pakiramdam na laging pagod
  • Labis na pagpapawis, lalo na sa gabi
  • Di-sinasadyang pagbaba ng timbang
  • Madadalas at matitinding impeksyon;
  • Pananakit o panlalambot ng buto
  • Hindi masakit na pamamaga ng lymph nodes sa leeg o kili-kili;
  • Pamamaga at paglaki ng liver o spleen
  • Madaling pagdudugo at pagbubuo ng mga pasa
  • Madalas na pagdudugo sa ilong o nosebleed
  • Pagkakaroon ng petechiae, o maliliit at mapulang pantal sa balat.

SAAN NAKUKUHA ANG LEUKEMIA?

Ayon sa Mayoclinic, wala pang kasiguruhan ang mga scientist kung ano nga ba ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng Leukemia ang isang tao. Ngunit may mga taong may mataas na tyansang magkaroon ng sakit na ito tulad ng mga sumusunod:

1. Family History— Ang pagkakaroon ng Leukemia ay pwedeng namana sa myembro ng pamilya na nagkaroon ng sakit na ito.

2. Exposure to Radiation — Masama ang laging exposed sa mga X-rays, CT Scan, MRI at iba pang radiation.

3. Exposure to certain Chemicals –Ang pagka-expose sa mga chemical tulad ng Benzene na ginagamit ng mga chemical industry ay isa sa mga maaaring pagmulan ng leukemia.

4. Ang mga taong may bisyong paninigarilyo ay may mataas na tyansang magkaroon ng acute myelogenous leukemia. Ang leukemia ay pwede ring kumalat sa ibang parte ng ating katawan tulad ng baga, puso, atay, at testicles.

May ibat-ibang klase ang leukemia tulad ng:

  • Acute Myelogenous Leukemia (AML),
  • Acute lymphocytic leukemia (ALL)
  • Chronic myelogenous leukemia (CML)
  • Chronic lymphocytic leukemia (CLL)

Ang leukemia ay ginagamot sa pamamagitan ng chemotherapy, bone marrow transplant at makabagong stem cell treatment. Mahal ang mga pamamaraan na ito at hindi pa tiyak na gagaling ang pasyente. Kung may nararamdaman nang sintomas ng leukemia kailangang ipasuri ang leukemia sa mga ekspertong doktor, na kung tawagin ay Hematologists.