Pababain ang Highblood, Cholesterol at Alisin ang Toxins sa Katawan gamit ang Lemongrass

0
2642

Ginagamit natin ang lemongrass o tanglad sa ating mga lutuin upang pampabango at pampawala ng lansa. Ngunit alam nyo ba na pwede natin itong gamitin na gamot sa mga sakit tulad high blood pressure, high cholesterol at pang-alis ng toxins sa ating katawan.

Sa pamamagitan ng paggawa ng lemongrass tea, makukuha mo lahat ang health benefits nito.

Simple lang ang paggawa ng lemongrass tea.

  • Kumuha ng 1-3 kutsarang tanglad at ipakulo sa isang basong tubig.
  • Ibabad ito ng 5-10 minutes para humalo ang katas nito sa tubig.
  • Alisin ang tanglad at pwede mo nang inumin ang lemon grass tea. Pwede din itong lagyan ng honey upang sumarap

Marami pa itong health benefits tulad ng:

  1. Ang lemon grass tea ay maaaring gamitin as Diuretic. Ito ang paraan upang mailabas ang sobrang sodium at toxins sa ating katawan sa pamamagitan ng pag-ihi.
  2. Pampalakas din ito ng ating immune system dahil sa vitamin C at mga antioxidants na taglay nito.
  3. Malalabanan nito ang virus at bacteria na pumasok sa ating katawan.
  4. Maaari din itong ipainom sa mga may lagnat, sipon at ubo.
  5. Mainam din itong pampababa ng cholesterol at highblood pressure.
  6. Mabuti itong inumin upang bumuti ang ating digestion, makakaiwas tayo sa pananakit ng tyan at kabag.
  7. Makakatulong din ito sa mga nagda-diet dahil mas mabilis nitong tunawin ang sobrang calories sa ating katawan.