May anak ka bang mag-aaral ngayong 2022? Alam mo bang pwede silang makatanggap ng cash assistance galing sa gobyerno sa pamamagitan ng DSWD Educational Assistance Program?
Ang Educational Assistance ay ibinibigay ng isang beses kada school year sa mga Student-In-Crisis bilang karagdagang tulong sa kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral sa panahon ng krisis o emergency situation.
Ito ay tulong na magagamit sa pambili ng School supplies, projects, allowance at iba pang bayarin sa pag-aaral.
Magkano ang pwedeng matanggap ng student na Cash Assistance galing sa DSWD?
- Php 1,000 for Elementary Students
- Php 2,000 for High School Students
- Php 3,000 for Senior High School Students
- Php 4,000 for Vocational or College Students
Sino ang pwedeng mag-apply sa DSWD Educational Assistance Program?
Ang mga students na pwedeng mag-apply sa DSWD Cash Assistance ay ang mga nasa categories ng Student-In-Crisis kabilang na dito ang mga:
- Breadwinner
- Working student
- Has no family/Living with relative
- Child of a solo parent
- Has parents with no source of living
- Child of Overseas Filipino Workers (OFWs)
- Child of Persons With Disabilities (PWDs)
- Child of HIV victims
- Victim of Domestic Abuse
- Victim of natural disasters
Note: Tatlong (3) member lang ng kada pamilya ang pwedeng makatanggap ng cash assistance.
Kailan sisimulan ang pamamahagi ng Cash Assistance?
Ayon sa DSWD Facebook post, magsisimula ang Educational Assistance payout sa Central Office ng Kagawaran sa darating na Sabado, ika-20 ng Agosto 2022 at sa mga susunod na Sabado – Agosto 27, Setyembre 3, 10, 17 at 24, mula alas-7 ng umaga.
Samantala, isinasagawa naman sa mga Field Offices ng Kagawaran ang distribusyon para sa mga nasa probinsiya kasabay ang iba pang tulong sa ilalim ng programang Assistance to Idividuals in Crisis Situations (AICS).
Paano makatanggap ng payout sa DSWD Cash Assistance Program?
Ayon kay DSWD Secretary, Erwin Tulfo, may dalawang paraan upang makakuha ng payout:
- Walk-In o magpunta sa mga DSWD Central Office or Field Offices.
- Email – Magpadala ng email request sa [email protected] mula March hanggang August ngayong 2022.
- Hintayin ang text confirmation mula sa DSWD na naglalaman ng petsa at lugar kung saan kukunin ang cash assistance at idadala ang mga requirements
Narito ang mga requirements sa pagkuha ng Payout
- Documents na nagpapatunay na enrolled ang bata.
- Authorization Letter (Kung hindi makakapunta ang nag-aaply ng assistance)
- Valid ID ng mga magulang / guardian at mga students sa nasa College/Vocational na tatanggap ng Educational Assistance.