5 Dahilan ng Atake sa Puso

0
2623

Alam mo ba na ang pagkain ng pritong pagkain isang beses sa isang lingo ay nagpapataas ng tyansang atakihin sa puso ng 7%? At ang sobra sa 9 hours na tulog ay nagpapataas ng tyansa ng heart disease ng 5%. Ating alamin ang top 5 na dahilan ng atake sa puso.

Poor Diet

Ang pagkain ay isa sa mga dahilan ng pagkasira ng puso, slowly but surely.

Ang mataas na sugar at fats na pagkain ay nakakataba na nagpapataas ng tyansang magkaroon ng heart disease. Mas mataas ng 12% ang tyansa na ma-heart attack ang mga matataba, lalo na sa mga taong may malalaking tiyan o bilbil.

Ang asin ay pampalasa sa ating pagkain ngunit ang sobrang maalat na pagkain ay nagpapataas sa ating blood pressure. The more salt you eat, the higher your blood pressure will be.

May malaking epekto ito sa ating puso na maaaring humantong sa heart attack. Ayon sa pag-aaral, ang healthy diet ay makakabawas sa tyansang ma-atake sa puso ng 18%.

Stress

Photo by Inzmam Khan from Pexels

Ang stress ay nakakasira sa ating kalusugan at pinapahina nito ang ating puso. Maaari nitong pataasin ang ating blood pressure.

Kapag ikaw ay stress, ang iyong katawan ay naglalabas ng stress hormone o tinatawag na Cortisol. Ang mataas na cortisol ay nagpapabilis ng tibok ng ating puso. Kapag napabayaan, maaari itong humantong sa atake sa puso.

Lack of Exercise

Masarap sa feeling ng nakahiga at nakaupo lang maghapon, ngunit alam mo bang may masamang dulot ito sa ating puso?
Kapag walang exercise, maaari tayong tumaba at magkaroon ng maraming sakit .

Ayon sa pag-aaral, ang regular na exercise ay nakakatulong sa pag-control ng timbang at makakaiwas sa panganib ng heart attack.
Ang paglalakad ng 30 minutes ay makakatulong sa ating puso.

Smoking

Photo by Lucas GuimarĂ£es from Pexels

Nasa panganib ang iyong puso kung ikaw ay naninigarilyo.

Alam mo ba na 30% ng namamatay sa heart disease ay dahil sa paninigarilyo? Ang chemical sa sigarilyo ay nakakasira sa blood vessels, Namumuo ito sa mga ugat na maaaring dahilan ng pagbabara.

Kung mapapabayaan, maari itong humantong sa heart attack. Sa makatuwid, the more you smoke, the greater your risk.

Sleep Quality

Photo by Kha Ruxury from Pexels

Isa rin sa dahilan ng heart attack ang kulang o hindi sapat na tulog. Maaari itong humantong sa hormonal imbalance na may malaking epekto sa puso. Nagpapataas din ng stress hormones ang hindi sapat na tulog.


Para maalagaan ang puso, kailangan ng 7-8hours na maayos na tulog.

Ito ang mga ilan sa dahilan ng pagkasira ng ating puso.
Makaka-iwas ka sa heart attack kung susundin ang aming mga payo.