Mga Health Benefits ng Salabat (Ginger Tea)

0
2503

Ang salabat o ginger tea ay ang pinakuluang luya na nagtataglay ng maraming benepisyo sa ating kalusugan.

Hindi lamang pampaganda ng boses ang salabat dahil maaari din nitong pabutihin ang ating puso, dugo at marami pang iba.

Mga Health Benefits ng Salabat:

Nag-aayos ng Blood Circulation

Ang mga vitamins, minerals at amino acids na taglay ng salabat ay nagpapaganda ng pagdaloy ng dugo sa ating katawan. Nakatutulong din ito para linisin ang daanan ng dugo.

Makakaiwas sa Sakit sa Puso

Ayon sa mga research, ang pag-inom ng salabat ay makakatulong sa pag-iwas sa sakit sa puso dahil pinapababa nito ang blood pressure, cholesterol levels at makakaiwas sa stroke.

Nagpapalakas ng Immune System

Ang salabat ay makakatulong sa pagpapalakas ng resistensya laban sa mga virus at bacteria dahil nagtataglay ito ng mataas na antioxidants. Tumutulong din itong labanan ang cancer cells.

Gamot sa Lagnat

Kung masama ang iyong pakiramdam, subukang uminom ng salabat dahil nagtataglay ito ng mga healing properties na makakatulong sa iyong paggaling.

Nagbabawas ng Pamamaga sa Rayuma

Ang salabat ay makakatulong upang bawasan ang arthritis at pananakit ng ibang parte ng katawan.

Pampaluwag ng Paghinga

Ang pag-amoy sa usok ng salabat ay maaari ding makatulong upang paluwagin ang baradong ilong at iba pang respiratory problem at allergies.

Panlaban sa Dysmenorrhea

Ang salabat ay makakatulong sa pag-aalis ng mga sakit at hirap dulot ng mens¬truation o dysmenorrhea ng mga kababaihan.

Stress Reliever

Nagtataglay ng calming properties ang salabat na makakatulong upang pababain ang stress at tension na iyong nararamdaman.

Paano gumawa ng Salabat?

Paano gumawa ng salabat?
Photo by Anna Pou from Pexels
  1. Kumuha ng 4-6 na sliced ng Luya.
  2. Ilagay sa 2 basong tubig at ipakulo ng 10 minutes, depende kung gaaano katapang ang lasang nais mo.
  3. Isalin sa baso ang salabat at palamigin.
  4. Maaaring lagyan ng lemon, honey o asukal upang sumarap ang salabat.