Mabuting Benepisyo ng Pagpapa-Dede para sa Sanggol at kay Mommy

0
709

Sa panahon ngayon, maraming Nanay ang hindi nagpapa-breastfeed sa kanilang anak. Maraming gumagamit ng powdered milk formula pamalit sa breast milk. Ngunit alam nyo ba na maraming health benefits ang breast milk para sa sanggol?

Benepisyo ng Breastmilk para sa Baby:

  • Ang breast milk ay kumpleto na ng vitamins, protein at fats na kailangan ng sanggol para sa kanyang paglaki.
  • At mas mabilis din itong ma-digest ni baby kumpara sa infant formula.
  • Nagtataglay ito ng mga antibodies na panlaban ni baby sa viruses at bacteria.
  • Mababawasan ang tyansang magkaroon ng asthma at allergy si baby.
  • Ang mga sanggol na pinapadede sa unang 6 months na walang halong formula ay mas makakaiwas sa ear infection, respiratory illness at diarrhea.
  • Makakaiwas sa laging pagdala sa hospital at check up sa Doctor dahil hindi magiging sakitin si baby.
  • May mga pag-aaral na mas mataas ang IQ scores ng mga batang nag-breast milk.
  • May magandang bonding din ito sa mag-ina dahil sa skin-to-skin touching at eye contact nila, mas mafe-feel ni baby ang pagmamahal ng ina dahil sa yakap habang nagpapadede.

May health benefits ding makukuha si mommy sa BreastFeeding

  • Malulusaw nito ang mga calories sa katawan ni mommy na nakuha nya sa pagbubuntis
  • Magiging sexy ulit si mommy dahil mababawasan ang kanyang timbang
  • Nagagawa rin nitong ibalik ang dating laki ng uterus o bumalik sa orihinal na laki nito
  • Dagdag pa rito ang mabilis ding paghilom ng sugat mula sa panganganak
  • Nakatutulong din ang pagbe-breastfeeding sa hindi pagkakaroon ng ovarian at breast cancer
  • Malaki din ang matitipid sa breastfeeding dahil mahal ang milk formula

Hindi na kailangan ni baby ng anupaman sapagkat ikaw lang mommy ay sapat na.

Isa ang breastfeeding sa pinaka-challenging sa buhay ng mga mommy. Pero, ang mga nabanggit ay patunay lamang na marami talaga ang mabuting naidudulot nito hindi lamang kay baby kundi maging sa kaniyang mommy.